Interior. Classroom. Hapon.
Maghahanda si Chris bago pumasok sa
classroom. Hindi siya masyadong makakapagconcentrate sa klase nila dahil
inaantay lang niya ang mga minuto bago matapos ang klase. Nagaabang para masabi
na niya kay Rica ang dapat matagal na niyang sinabi.
PROFESSOR
Okay, class, are there any questions?
Maglalakas loob at
magtataas ng kamay si Chris.
PROFESSOR
Yes, Mr. Enriquez, what’s your question?
CHRIS
Sir, I don’t have a question. I just want to
use this time to tell Miss Rica Alba that I like her, for three years now.
Tatayo si Chris at Titingin kay Rica na nagulat
sa ginawa niya. Matutuwa lahat ng kaklase nila. Kinikilig na magtitilian ang
mga babae samantalang ang mga lalake nama’y parang mga boosters ni Chris tuwing
football game at patuloy ang pagcheer sa kanya. Ngingitian na siya ni Rica at
magyayakap na sana silang dalawa.
PROFESSOR
Mr. Enriquez, what is your question?
Magugulat si Chris at hindi makakapaniwalang
hindi pala totoo ang lahat, nakataas pa rin ang kamay niya. Tatapikin siya ni
Rica.
RICA
Uy, ano ba ‘yung tanong mo? Nagtaas ka ng
kamay tapos bigla kang natulala dyan?
Tititigan lang ni Chris si Rica na merong
litong-lito na ekspresyon sa kanyang
mukha. Mababalik ang tingin niya sa kanyang professor. Wala na siyang nagawa,
tumayo na lang siya.
CHRIS
Sir, pwede pong mag-CR?
Nagmamadaling lumabas si Chris ng classroom
na para bang natatae.
#END#
*Unang pagkakataon na nagtangka akong magsulat ng script, sana maging mabait kayo. :)
*Kung may magbabalak mang-angkin o magnakaw: vengeance is God's, not ours.
*Kung may magbabalak mang-angkin o magnakaw: vengeance is God's, not ours.
No comments:
Post a Comment