Exterior.
Football field. Hapon.
Nasa football practice si Chris at Carlos.
May mga babaeng nakatambay sa gilid ng football field at pinapanood lang silang
magpractice. Papangaralan na naman ni Carlos si Chris.
CARLOS
Bakit kasi hindi mo masabi-sabi sa bestfriend
ko? Tignan mo nga ‘yang itsura mo at tignan mo rin ‘yang fanbase mo.
Karamihan ng mga babaeng nanunuod sa football
practice ay may gusto kay Chris. Mapapatingin si Chris sa kanila at kikiligin
naman ang mga ‘to.
CHRIS [MONOLOGUE]
Paano nga kaya isa na lang si Rica sa mga
babaeng ‘to?
CHRIS
Grabe ka naman, sinusubukan ko naman eh.
[FLASHBACK]
Exterior. Walkway. Hapon.
Hahatid ni Chris si Rica papuntang gym para
sa practice ng dance troupe. Tahimik na kumportable sa isa’t isa sina Chris at
Rica habang naglalakad, parang eksena sa koreanovela with matching falling
leaves pa ang set-up. Babalakin ni Chris na sabihin na kay Rica.
CHRIS
Rica, may sasabihin sana ako sayo.
RICA
Ano naman ‘yun?
Magiipon na ng lakas ng loob si Chris at
konti na lang ay mailalabas na niya ang mga nararamdaman, pero biglang
magriring ang cellphone ni Rica.
RICA [SA CELLPHONE]
Hello? Oh? Sige, malapit na’ko.
RICA
Uy, andun na daw ‘yung choreographer namin,
hinahanap na ako. Bilisan na natin?
CHRIS
Ah, talaga. Sige, tara.
[END FLASHBACK]
Interior. Kwarto ni Chris. Gabi.
Kakauwi lang ni Chris galing school. Kakatapos
lang maligo at gagawa ng assignments. Bago matulog, maiisip pa niya si Rica.
CHRIS
Bukas, sasabihin ko na talaga. Bukas.
FADE OUT
Itutuloy. :)
*Unang pagkakataon na nagtangka akong magsulat ng script, sana maging mabait kayo. :)
*Ipa-publish linggo-lingo, antabayanan (pero kung ayaw niyo, di huwag.)
*Kung may magbabalak mang-angkin o magnakaw: vengeance is God's, not ours.
*Ipa-publish linggo-lingo, antabayanan (pero kung ayaw niyo, di huwag.)
*Kung may magbabalak mang-angkin o magnakaw: vengeance is God's, not ours.
No comments:
Post a Comment