*Ipa-publish linggo-lingo, antabayanan (pero kung ayaw niyo, di huwag.)
*Kung may magbabalak mang-angkin o magnakaw: vengeance is God's, not ours.
Characters:
Chris - 20 years
old, Fine Arts student, matalino—Dean’s Lister, matangkad, kayumanggi, gwapo pero
hindi niya alam, mahilig sa sports, tahimik pero hindi anti-social, humble, heartthrob,
masasabing ideal guy siya ng karamihan sa mga babae, pero torpe.
Rica - 19 years old,
classmate ni Chris, maliit, maputi, payat, may hitsura lang, mabait, approachable,
makulit, medyo madaldal, medyo mahinhin, thoughtful, average student, active sa
mga organization activites, three years nang gusto ni Chris.
Carlos - 20 years
old, Fine Arts Student, pero nasa ibang section, best friend ni Rica, bisexual
daw siya, matangkad, maputi, hating hati ang katauhan sa dalawang gender—kasali
siya sa varsity ng football, confidante ni Chris.
FADE IN
Interior. Classroom.
4PM ng hapon.
Magpapakita ng orasan sa classroom na limang
minuto na lamang bago matapos ang klase.
Professor
Okay, class, are there any questions?
Mananatiling nakaupo si Chris habang
nagdadalawang isip kung itataas ba niya ang kanyang kamay para magtanong. Mauubusan
siya ng oras, biglang magriring ang school alarm.
Professor
Class dismissed.
Yuyuko na lamang habang nanatiling nakaupo si
Chris at manghihinayang na naman sa nasayang na pagkakataon.
Exterior. Walkway papuntang football field. 5pm
ng Hapon.
Malungkot na maglalakad si Chris papuntang
football practice. Makikita namang humahabol si Carlos sa likod.
Carlos
Oh te,
ano nasabi mo na ba?
Chris
Hindi na naman eh.
Carlos
Ay nako, kalurky! Bakit pa nga ba ako
nag-expect?
CHRIS [MONOLOGUE]
Kelan ko nga ba masasabi? Hay, tatlong taon
na ‘to. Kung tae siguro to, malamang, nabulok na ‘to sa sistema ko.
[FLASHBACK]
Interior. Classroom. Umaga.
First day of school ni Chris sa college.
Tahimik lang siyang uupo sa sa loob ng classroom na sobrang gulo dahil sa mga
classmates niyang nagge-getting-to-know na. Papasok si Rica sa loob ng
classroom at uupo sa bakateng upuan sa tabi ni Chris.
RICA
Hi, ako si Rica. Anong name mo?
CHRIS
Chris.
Dahil wala namang professor na pumapasok
tuwing first day, mauubos ang oras nang nagkkwentuhan lang sila ng kung ano-ano
at unti-unting magiging kumportable sa isa’t isa.
[END FLASHBACK]
Itutuloy.. :)